Last week July 25, sumali ako sa tournament ng badminton sa Team Badminton Courts sa Lucena City at 'grabe!' ang hirap pala maglaro kapag matagal ka nang hindi nageesayo o involved sa kahit ano man na laro. Dalawa ang entry ko; Mix at Men's Doubles. Apat na laro at apat na talo ang sinapit ko sa mix... noon lang nangyari sa akin yun ah. Tapos sa unang laro sa men's doubles ay gusto ko nang umayaw noong simula pa lamang ngunit hindi ko magawa dahil ang iskor ay laging tabla kaya't tinapos ko na rin. Siempre talo ulit. At dahil tumirik na ang mortal kong katawan, nagpa-disqualify na lang ako sa iba pang laro. Kaya't yun... napagod at nabutas lang ang bulsa. Hindi lang yun dahil hindi ko matagpuan ang aking pinakamamahal na raketa bago ako umuwi. Mabuti na lang natagpuan 'ata' ng kaibigan kong si Zaldy.' Ata' ha kasi wala pa sa akin eh.